Thursday, January 20, 2011

Unang Hakbang

Hindi ko alam kung paano ito sisimulan. 

Baguhan lang ako sa mundo ng pagsusulat, pero medyo may katagalan narin akong sumusubaybay sa blog ng iba.  Gaya nila, marami rin akong nais sabihin sa mundo - ngunit hindi ko masabi sa napakaraming kadahilanan.  Sana'y maging instrumento ang blog na ito para maipahayag, at mailahad ko, ang aking istorya.

Kadalasan ng mga blogs ay nagsisimula sa pagpapakilala sa sarili.  Shit.  Ang hirap naman.

Pero, go.

1. 27 na ako.
2. Isang baguhang abogado na alipin ng naaapi.
3. Lihim sa lahat kung bakit ako nandito.
4. Walang may alam, kundi ang mga nakasama/nakakasama ko na may lihim ding itinatago.
5. Alam ko kung ano ako at kung ano ang gusto ko.
6. Pero hindi ko alam kung magugustuhan ng iba ang gusto ko.
7. Normal ako sa lahat ng bagay, kilos, at pananalita.
8. Normal parin kahit na nasa loob ng kuwarto.
9. Ang hindi normal, ayon sa idinidikta ng lipunan, ay ang gusto kong makasama.
10. Older men lover ako.

Ilalahad ko na lang sa mga susunod na araw ang iba.  Salamat, napadalaw ka.